Taos-pusong nakikiramay ang Mayors for Good Governance (M4GG) sa pamilya, mga mahal sa buhay, at mga kababayan ni Mayor Marcial Lawilao Jr. ng Sabangan, Mountain Province.

Bilang isang tapat na lingkod-bayan at miyembro ng M4GG, mananatili sa ating mga puso ang kanyang kabutihan, pagmamahal, at mga alaalang ibinahagi niya sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at sa komunidad.

Nawa’y isama natin sa ating mga panalangin ang kanyang kaluluwa, gayundin ang pagbibigay ng lakas at katatagan sa kanyang mga naulila.

Maraming Salamat sa iyong serbisyo at pakikipagtindig sa ating laban para sa mabuting pamamahala, Mayor Lawilao.


SHARE THIS ARTICLE