Ngayong araw, nagkaroon ng isang maayos at makabuluhang pagpupulong ang Mayors for Good Governance (M4GG) kasama si Finance Secretary Ralph Recto at iba pang mga opisyal ng Department of Finance (DOF) upang talakayin ang mga usapin kaugnay ng National Tax Allotment (NTA) para sa mga Local Government Units (LGUs).
Lubos naming pinahahalagahan ang pagiging bukas ng DOF sa aming mga katanungan at mungkahi, na nagbigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa mga isyu at pagkakataon upang mapabuti ang kasalukuyang sistema ng NTA.
Sa mga darating na araw, ilalathala namin ang resulta ng aming talakayan kasama ang DOF, kabilang ang mga rekomendasyon na makatutugon sa mga pangunahing isyu sa NTA.
Ang pagpupulong na ito ay isang malinaw na halimbawa ng kung paano dapat magtulungan ang mga lingkod-bayan upang maisulong ang mabuting pamamahala at masiguro ang inklusibong pag-unlad para sa bawat Pilipino—lalo na para sa mga nasa malalayong LGU na nangangailangan ng suporta at atensyon.
Naniniwala ang M4GG na sa pamamagitan ng ating sama-samang pagkilos, mapapalakas natin ang bawat LGU bilang haligi ng kaunlaran ng ating bansa.

SHARE THIS ARTICLE